Personal

Gradweyt ng UP Maskom!

Today I’m officially graduating from college! So… what to feel? There’s a whirlwind of emotions–but for now, let me rejoice with the fact that this one’s off the bucket list! 🙂

upload10-should be this one

“Sasablay din ako.”

Sa pag-gising nang maaga at paglalakad nang mabilis, lalo na sa pagpara ng biyaheng SM North na jeep;

Sa pagpili ng maayos na schedule, sa paghahanap ng tamang klasrum, sa mga readings na hindi binasa, mga papel at report na minadali, mga exam na hindi lubusang pinaghandaan;

Sa mga oportunidad na pinalampas at hindi maabot, sa mga pinaniwalaan at pinagtiwalaan, sa mga araw na hindi ko ibinigay ang lahat;

Sa mga pagkakataong umasa ngunit nabigo, sa pagsubok na hanapin ang sarili at sabihing ako ay sapat at buo;

Sa lahat ng “sana pala” at “buti nalang”;

Sa apat na taon na kinulayan ng tama at mali, tagumpay at hindi;

Sinamahan pa ng mga tunay na kaibigang hindi nawala mula una hanggang huli, umaga hanggang mag-umaga nang muli;

May kasama ring mga magulang at pamilya na sinuportahan ang bawat hakbang at pagtakbo, matiyagang naghihintay sa pag-uwi ko;

Isang Diyos at Panginoon na araw-araw may surpresa at panggugulat, hindi kailanman nawala, at patuloy na gumagabay sa daang tinatahak ng dalawa kong paa;

Ang lahat ng ito, tumupad sa pangarap ko.

Heto na, masasabi ko na:

Sumablay din ako.

 

Jhanelle Vitug
2013-22743
BA Communication Research
University of the Philippines Diliman
1.452, Cum Laude

^Sablay pa rin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s